Isinailalim na sa state of calamity ang Bayan ng Labo sa Camarines Norte matapos ang baha dulot ng pananalasa ng Typhoon Ulysses.
Batay sa lokal na pamahalaan ng Labo, tatlo ang naitalang nasawi sa kanilang bayan.
Nasa 5,297 pamilya o 18,968 indibidwal ang lumikas sa kanilang bahay pero 11 barangay ang hindi pa nakakapagsumite ng bilang ng kanilang mga evacuees.
Aabot naman sa 434 bahay mula 29 barangay ang totally damaged habang 2,384 ang partially damaged.
Facebook Comments