Bayan ng Los Baños, Laguna, COVID-19 free na

Inihayag ng lokal na pamahalaan ng Los Baños na COVID-19 free na ang kanilang bayan.

Sa inilabas na pahayag ng Los Baños Local Government Unit (LGU), nakarekober na ang huling natitirang aktibong kaso nito kung saan isang 39-anyos na lalaki mula sa Barangay Batong Malake.

Nabatid na napagdesisyunan ng pasyente na sumailalim na lamang sa home isolation kahit pa mayroon itong chronic kidney disease pero maayos naman na ang kaniyang kalagayan.


Hindi na rin nakapagtala ng bagong kaso ng COVID-19 ang bayan ng Los Baños sa loob ng labing isang araw pero may hinihintay pa rin na labing dalawang pending results mula sa mga sumailalim sa community testing at dalawampu’t pito na iba pa mula naman sa mga naitalang probable cases.

Wala na rin naitalang na-admit at na-isolate sa hospital kung saan wala na rin pasyente sa Los Baños Isolation Facility.

Umabot naman sa 1,012 ang sumalang sa Reverse Transcription – Polymerase Chain Reaction (RT-PCR) kahit pa COVID-19 free na ang Los Baños.

Magpapatuloy pa rin ang hakbang ng lokal na pamahalaan sa pamumuno ni Mayor Caesar Perez para masigurong wala ng magkakasakit pa sa kanilang bayan.

Nanawagan din sila sa bawat residente ng Los Baños na panatilihin ang disiplina at pag-iingat upang manatiling ligtas laban sa COVID-19.

Facebook Comments