Bayan ng Maddela, Naikategorya sa Local Transmission

13

Cauayan City, Isabela-Ikinategorya sa ‘local transmission’ ang bayan ng Maddela sa lalawigan ng Quirino matapos maitala ang dumaraming kaso ng COVID-19 batay sa datos na inilabas ng Department of Health (DOH) region 2.

Base sa facebook post ng LGU Maddela, nakapagtala ito ng 11 aktibong kaso ng COVID-19 at inaasahang sa March 25 ang containment sa lugar kung magtutuloy-tuloy ang hindi pagdagdag ng kaso ng mga tinatamaan ng virus.


Samantala, pumalo na sa kabuuang 73 ang total confirmed cases ng lalawigan habang 42 ang nakarekober mula sa sakit at 31 ang nananatiling aktibo sa kasalukuyan.

Facebook Comments