Isinailalim sa state of calamity ang bayan ng Makato sa Aklan bunsod ng malakas na pag-uulan sa naturang lugar.
Sa inilabas na datos ng lokal na pamahalaan, aabot na sa 127 milyong pisong pinsala sa agrikultura at 5 milyong pisong danyos sa imprastraktura ang naitala dahil sa masamang panahong nararanasan.
Tinatayang aabot sa 3,000 pamilya ang naapektuhan bunsod nito.
Ang masamang panahon na nararanasan sa bayan ng Makato ay bunsod ng Intertropical Convergence Zone o ITCZ.
Facebook Comments