Bayan ng Mamasapano, Maguindanao, may bago nang SK federation officers!

Sa prisensya ng kinatawan mula sa COMELEC at ipa ang stakeholders, nanumpa kay Mayor Benzar Ampatuan kahapon ang mga bagong halal na opisyal ng Sangguniang Kabataan Federation-Mamasapano Chapter.
Ayon kay Mayor Ampatuan, pagkatapos ng aleksyon ay sinundan agad ito ng panunumpa ng SK federation officers.
Umaasa si Mayor Ampatuan na makakatuwang ng lokal na pamahalaan ang mga bagong halal na opisyal ng SK Federation sa pagpapatupad ng mga makabuluhang proyekto sa kanilang bayan at magiging mas aktibo ang sektor ng kabataan sa kanilang bayan.
Anya pa, mas mainam ngayon dahil nasa hustong gulang na ang mga ito at may may accountability na ang SK officials lalo na sa paggamit ng kanilang pondo.

Facebook Comments