BAYAN NG NAGUILIAN, BUMUO NA NG PRICE ACTION TEAM

29

Cauayan City, Isabela- Alinsunod sa Executive Order No. 08 s. 2021 na inisyu ni Isabela Governor Rodito Albano ay naglabas din ng EO. No. 2021-009 ang punong bayan ng Naguilian na si Hon. Juan Capuchino para sa pagbuo ng Price Action Team (PAT) ng nasabing bayan.

Ang PAT ay aatasan na magmonitor ng presyo at supply ng mga basic and prime commodities sa mga grocery stores, Supermarkets at regular na mabantayan ang Price Bulletin Board sa mga pampubliko at pribadong palengke.


Pagpapatunay lamang ito ng LGU Naguilian na mabigyan ng epektibo at sapat na proteksyon ang bawat mamamayan ng nasabing bayan lalo na sa panahon ng kalamidad, emergency at malawakang pagmamanipula sa presyo ng mga pangunahing bilihin.

Ito ay sa pakikipagtulungan na rin ng DTI Isabela, mga pribadong sector at iba pang ahensya ng gobyerno na layong maprotektahan ang bawat consumer at masiguro na sumusunod sa fair trade laws.

Sa pamamagitan ng binuong PAT ay masisiguro na sumusunod ang mga business stablishments at palengke sa inisyung kautusan ng Gobernador sa Lalawigan.

Facebook Comments