Bayan ng Naguilian, Nakapagtala ng COVID-19 Positive

Cauayan City, Isabela- Muling naitala sa Cagayan Valley ngayong araw ang isang panibagong kasong nagpositibo sa COVID-19.

Ayon sa DOH-RO2, isang 42 -anyos na lalaki na OFW mula sa bayan ng Naguilian, Isabela na nakarating sa Pilipinas mula Saudi Arabia noong ika-11 ng Hunyo, at nakauwi sa kanilang bayan noong ika-15 ng Hunyo.

Nabatid na ang pasyente ay nagkaroon ng pagkakasalamuha sa isang positibong kaso na kapwa niya OFW (si PH 28953/ CV45) na kasabay nitong umuwi sa probinsya lulan ng bus na inarkila ng OWWA para sa kanilang mga repatriates.


Sa kasalukuyan ay walang ipinapakitang sintomas ng sakit ang pasyente at nasa mabuting kalagayan.

Patuloy naman ang isinasagawang contact tracing ng Lokal na Pamahalaan ng Naguilian para sa mabilis na pagtukoy sa iba pang nakasalamuha ng pasyente.

Umakyat na sa 57 ang mga kumpirmadong kaso sa buong rehiyon dos.

Facebook Comments