BAYAN NG PALANAN, BINISITA NI DOH UNDERSECREATARY BAGGAO

CAUAYAN CITY- Personal na binisita ni DOH Undersecretary for Public Health Services Cluster Dr. Glenn Matthew G. Baggao ang Palanan Station Hospital at Palanan Municipal Health Office sa bayan ng Palanan.

Layunin ni Dr. Baggao na personal na makita ang mga kakulangan at pagsubok na kinakaharap ng mga bayang geographically disadvantaged katulad ng Palanan kung saan nagkaroon sila ng kasunduan sa pagitan ng Cagayan Valley Medical Center na magtalaga ng mga espesyalista sa bayan ng Palanan para sa konsultasyon ng mga residenteng nangangailangan ng serbisyong medikal.

Samantala, pinuri naman ni DOH Undersecretary Baggao ang mga binisita nyang pagamutan sa matagumpay nitong pagbabakuna ganun na rin sa walang anumang kaso ng pagkasawi sa mga ipinanganganak na sanggol.


Facebook Comments