Bayan ng Pateros, naabot na ang herd immunity; bakunahan para sa ibang lungsod ng NCR, bubuksan na

Nakamit na ng pamahalaang lokal ng Pateros ang target population na mabakunahan kontra COVID-19.

Dahil dito, bubuksan na rin ng Local Government Units (LGU) ang vaccination rollout para sa mga residente ng ibang lungsod ng National Capital Region (NCR).

Ayon kay Pateros Mayor Miguel “Ike” Ponce III, naabot na ng bayan ang herd immunity para sa first dose ng COVID-19 vaccine ng mga residente rito.


Ani Ponce, hangarin nila ang makatulong sa mga karatig-bayan na nagnanais na mabakunahan.

Siniguro naman ng alkalde na prayoridad pa rin ang mga residenteng tatanggap ng second dose.

Payo niya, iwasan ang pagdagsa sa vaccination site.

Para naman sa mga interesado, magparehistro lang gamit ang QR code at mag-antay lamang ng text message para sa schedule ng pagpunta.

Facebook Comments