BAYAN NG QUEZON, GINAWARAN DAHIL SA MGA NATATANGING PROGRAMA LABAN SA ILIGAL NA DROGA

CAUAYAN CITY – Pinarangalan ang Bayan ng Quezon ng prestihiyosong Municipal Anti-Drug Abuse Council (MADAC) Performance Award bilang pagkilala sa masigasig na pagsusumikap ng lokal na pamahalaan sa pagsugpo sa iligal na droga.

Sa kanyang pahayag, ipinaabot ni Municipal Mayor Jimmy Gamazon Jr. ang taos-pusong pasasalamat sa MADAC sa kanilang suporta sa mga inisyatiba ng bayan.

Pinuri rin niya ang mahalagang ambag ni Valerio Rafanan, ang in-charge ng MADAC, sa matagumpay na pagpapatupad ng mga programa laban sa droga.


Ang MADAC Performance Award ay iginagawad sa mga bayan na aktibong nagpapatupad ng mga epektibong hakbang laban sa iligal na droga, na layong magbigay ng mas ligtas at maayos na komunidad para sa kanilang mga mamamayan.

Ang tagumpay na ito ay patunay ng dedikasyon at kooperasyon ng lokal na pamahalaan at ng komunidad sa pagsulong ng kapayapaan at kaayusan.

Facebook Comments