BAYAN NG QUEZON, ISABELA, SUMAILALIM SA ORYENTASYON NG DEPARTMENT OF HUMAN SETTLEMENT AND URBAN DEVELOPMENT REGION II

CAUAYAN CITY – Sumailalim sa oryentasyon ng Department of Human Settlement and Urban Development Region 2 ang bayan ng Quezon, Isabela.

Ito ay upang lalong mapatatag ang Pambansang Pabahay para sa Pilipino (4PH) program na pinamumunuan ni Pang. Ferdinand Marcos, na makatutulong sa mga benepisyaryo ng nasabing bayan.

Sa isinagawang oryentasyon ay nakatanggap ng mahahalagang imposmasyon ang mga lumahok dito kabilang na ang iba’t ibang aspeto ng programa mula sa mga inisyatibo nito, benepisyaryo, disenyo, paraan ng pagbabayad, at marami pang iba.


Layunin ng 4PH Program na mabigyan ng affordable na bahay ang bawat mamamayang Pilipino.

Facebook Comments