Bayan ng Quezon, Maituturing na Mapayapa- PSI Dennis Matias.

Quezon Isabela- Maituturing umanong mapayapa ang bayan ng Quezon batay sa magandang ugnayan ng lokal na pamahalaan, mga barangay officials at ng kapulisan sa naturang bayan.

Ito ang inigayag ni Police Senior Inspector Dennis Matias, ang hepe ng PNP Quezon sa naging ugnayan ng RMN Cauayan sa programang Sentro Serbisyo.

Ayon kay PSI Matias, bagamat mayroon umanong nangyaring engkwentro sa pagitan ng militar at NPA noong ika-30 ng Agosto sa Bontok Mountain Province kung saan ay may kalapit na barangay sa kanilang bayan ay wala naman umano silang namamataang mga kasapi ng makakaliwang grupo ang umaaligid o dumadaan sa kanilang nasasakupan.


Ipinaliwanag naman nito na kung may mga ganitong insidente ay agad din naman umanong nakikipag-ugnayan ang kanilang mga kasamahan mula sa Kalinga Police Provincial Office habang nilinaw nito na sa ngayon ay wala umanong report ng citings sa kanilang bayan.

Samantala, Inihayag din ni PSI Matias karamihan umano sa mga naitatala nilang insidente sa kanilang bayan ay ang aksidente sa kalsada kung saan karamihan sa mga nasasangkot ay mga motorsiklo.

Facebook Comments