Bayan ng Quirino, Naikategorya sa Local Transmission ng DOH

20

Cauayan City, Isabela-Ikinategorya sa ‘local transmission’ ang bayan ng Quirino, Isabela matapos maitala ang dumaraming kaso ng COVID-19 batay sa datos na inilabas ng Department of Health (DOH) region 2.

As of February 11, 2021, nakapagtala ng 12 cases linked ang naturang bayan at inaasahang sa March 4 ang containment sa lugar kung magtutuloy-tuloy ang hindi pagdagdag ng kaso sa lugar.


Batay sa pinakahuling datos ng DOH, kabilang pa rin sa ‘active status’ ng local transmission ang mga bayan ng Luna, San Mariano, Tumauini, Naguilian, Ramon, Reina Mercedes, Angadanan, at Cabagan sa Isabela; Solana at Baggao sa Cagayan.

Samantala, pumalo na sa kabuuang 7,878 ang tinamaan ng virus sa Cagayan Valley habang 504 ang nananatiling aktibo.

Facebook Comments