Bayan ng Ramon, Naikategorya sa Local Transmission ng DOH region 2

Cauayan City, Isabela-Nakategorya sa ‘local transmission’ ang bayan ng Ramon, Isabela makapagtala ng dumaraming kaso ng COVID-19 batay sa datos na inilabas ng Department of Health (DOH) region 2.

Ayon sa ahensya, nakapagtala ng 19 cases linked ang mayroon ang bayan habang Pebrero 27 pa ang inaasahang petsa para sa containment sa lugar kung magtutuloy-tuloy ang hindi na pagdami ng mga kaso.

Batay sa pinakahuling datos ng DOH, kabilang pa rin sa ‘active status’ ng local transmission ang mga bayan ng Luna, San Mariano, Tumauini sa Isabela; Solana at Baggao sa Cagayan.


Batay naman sa huling datos ng RHU Ramon, naitala ang pang-92 positibong kaso ng COVID-19 na isang 31-anyos na babae mula sa Barangay Ambatali.
Sa ngayon, nasa 28 ang aktibong kaso ng COVID-19 ng Ramon.

Samantala, pumalo na sa kabuuang 7,106 ang tinamaan ng virus sa Cagayan valley habang 844 ang nananatiling aktibo.

Facebook Comments