
CAUAYAN CITY – Nananatiling maayos at mapayapa ang bayan ng Reina Mercedes ngayong panahon ng kampanya para sa darating na National at Local Election.
Ayon kay Police Major Charles Cariño, Chief of Police ng PNP Reina Mercedes, patuloy umano ang kanilang pagsasagawa ng COMELEC checkpoint kung saan mayroon umano silang oras na sinusunod para magsagawa ng inspeksyon sa mga byahero at motorista.
Dagdag pa nito, wala din umano silang naitatalang mga lumalabag sa COMELEC Gun Ban at iba pang mga ordinansa ng COMELEC o kahit na anong election related incident sa kanilang lugar.
Sa kabila nito, tiniyak ni Police Major Cariño ang patuloy na monitoring ng kanilang hanay upang matiyak na ligtas at maayos ang campaign period.
Nagpaalala rin ito sa mga supporters na suportahan lang ang kanilang mga kandidato sa paraang walang masasaktan o malalabag na batas.