Bayan ng Roxas at Cabarroguis, Naikategorya sa Local Transmission

Cauayan City, Isabela-Ikinategorya sa ‘local transmission’ ang bayan ng Cabarroguis sa lalawigan ng Quirino matapos maitala ang dumaraming kaso ng COVID-19 batay sa datos na inilabas ng Department of Health (DOH) region 2.
Base sa facebook post ng Quirino Province, mayroon ng 53 aktibong kaso ng COVID-19 ang bayan at inaasahang sa April 18 ang containment sa lugar kung magtutuloy-tuloy ang hindi pagdagdag ng kaso ng mga tinatamaan ng virus.

Habang nakategorya na rin sa local transmission ang bayan naman ng Roxas, Isabela kung saan nasa 157 na ang aktibong kaso at sa April 16 inaasahan ang ‘containment’ kung hindi rin dadami ang kaso ng mga nagpositibo sa virus.

Samantala, pumalo na sa kabuuang 11,002 ang mga tinamaan ng virus sa rehiyon dos kung saan 140 ang naidagdag na kaso as of March 22 habang 1,343 ang active cases sa buong Cagayan Valley.


Facebook Comments