Cauayan City, Isabela- Nakategorya bilang ‘local transmission’ ang bayan ng San Agustin, Isabela dahil sa dumaraming bilang ng mga nagpopositibo sa COVID-19.
Ito ay batay sa datos na inilabas ng Department of Health (DOH) region 2.
Ayon sa ahensya, nakapagtala ng 23 cumulative cases ang bayan habang October 21 ng magsimula ang local transmission sa lugar.
Ayon kay Health Education and Promotion Officer Pauleen Atal, inaasahang sa Disyembre 9 ay maituturing na matagumpay ang containment kung hindi na makapagtatala pa ng dagdag na bilang sa mga naunang kaso.
Sa Isabela, kabuuang apat (4) na bayan ang nananatiling nasa ilalim ng local transmission na kinabibilangan ng Tumauini,Luna,Aurora at San Agustin.
Samantala, pumalo na sa kabuuang 3,364 ang tinamaan ng virus sa Cagayan valley habang 412 ang nananatiling aktibo.