
Pasok ang bayan ng San Fabian bilang finalist sa Presidential Award for Child-Friendly Municipalities and Cities (PACFMC) matapos sa isinagawang validation ng Department of the Interior and Local Government, Department of Labor and Employment Office kaakibat ng ibang national agencies.
Sumailalim din sa orientation ang Sangguniang bayan kung saan din tinukoy ang apat na piling barangay bibisitahin ng mga validators. Kabilang dito ang mga barangay ng Colisao, Bolasi, Alacan, Bigbiga at Tempra-Guilig- na hinirang bilang model barangay.
Kinatawan ang barangay sa child-friendly governance ng munisipalidad na susuriin ng mga validators.
Dahil dito, positibo ang tanggapan sa mas pinabuti at epektibong serbisyo para sa kapakanan ng mga Kabataan maging ng lahat ng residente.









