Bayan ng San Isidro, Isa sa Pinakatahimik na Bayan- PSI Binayug!

San Isidro- Ipinagmalaki ni PNP San Isidro Chief of Police (COP) Police Senior Inspector Jonathan Binayug ang pagigingtahimik at mapayapa ng kanilang nasasakupang bayan.

Ito ang ibinahaging impormasyon ng hepe sa naging pagdalo nito sa programang Sentro Serbisyo ng RMN Cauayan kahapon Oktubre 6, 2018.

Aniya ay ilang mga insidente sa lansangan lamang umano ang malimit na naitatala sa kanilang bayan habang sinabi pa nito na mula umano noong buwan ng Enero hanggang Setyembre ay mayroon lamang tatlong index crime ang naitala sa bayan ng San Isidro at kung ikukumpara sa mga nagdaang taon ay mas mababa ito sa ngayon.


Samantala, mayroon naman umanong kabuuang bilang na 354 ang kanilang binabantayang tokhang responders ngunit limampu’t apat nalamang umano mula rito ang kanilang tinututukan para sumailalim sa Community Based Rehabilitation Program (CBRP).

Sa ngayon ay patuloy naman umano ang kanilang ginagawang pagdalaw sa mga paaralan upang mabigyan ng lektur ang mga mag-aaral kaugnay sa epekto ng droga bilang bahagi ng kanilang drug symposium.

Malaki naman ang pasasalamat ng hepe dahil sa suporta at magandang kooperasyon ng mga mamamayan sa kanilang bayan sa pagpapanatili ng kapayapaan at seguridad ng San Isidro.

Facebook Comments