Bayan ng San Isidro, Mayroon nang Bagong Pasyalan

28

Cauayan City, Isabela- Inilunsad na ang San Isidro Green Ladies Organization (SIGLO) Integrated Farm & Agro-Eco Tourism Park sa bayan ng San Isidro sa Lalawigan ng Isabela.

Ito’y sa tulong na rin ng 250 na Tulong Panghanapbuhay sa Ating Disadvantaged/Displaced (TUPAD) workers sa nasabing bayan.


Ang bagong park ay matatagpuan sa Barangay Quezon ng San Isidro kung saan ay inaasahan na mapapalakas ang turismo sa lugar sa tulong ng LGU.

Layon din ng pagbubukas sa nasabing lugar na ma-promote ang agrikultura lalo na ang pagtatanim ng mga gulay upang maitaguyod ang tamang dieta at malusog na pamumuhay.

Facebook Comments