Bayan ng San Manuel, Naitala ang Unang COVID-19 Death Case

22

Cauayan City, Isabela- Nakapagtala ng kaso ng pagkamatay may kaugnayan sa COVID-19 ang bayan ng San Manuel, Isabela.

Batay sa datos ng LGU, isang 78-anyos na lalaki na si CV8717 mula sa Barangay Sandiat Centro ang binawian ng buhay.


Wala umano itong kasaysayan ng paglalakbay sa mga lugar na may kumpirmadong kaso ng COVID-19.

Lumabas sa resulta na ang cause of death ng pasyente ay Community Acquired Pneumonia Severe kaya’t naikategorya ito sa COVID-19.

Kahapon, sumailalim sa swab test ang pasyente hanggang sa bawian ito ng buhay ngayon.

Ito ang kauna-unahang kaso ng pagkamatay na naitala ng nasabing bayan.



Facebook Comments