Bayan ng Sanchez Mira sa Cagayan, Idineklarang Drug-Cleared Municipality

Cauayan City, Isabela- Pormal nang idineklarang drug-cleared municipality ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) region 2 ang bayan ng Sanchez Mira, Cagayan

Ito ay matapos ang isinagawang 13th Regional Oversight Committee Barangay Drug Clearing (ROCBDC) Meeting.

Nasa 17 barangays ang apektado noon ng iligal na droga habang isa ang nanatiling drug-free.


Isa rin sa pamantayan ng PDEA sa pagdedeklara ng drug-cleared municipalities ang pagkakaroon ng Balay Silangan na magsisilbing rehabilitation center ng mga indibidwal na makapagbagong buhay; institutionalization of a Drug- Free Workplace Policy; organized a PDEA-trained LGU CBAIDA Team; at ang pagkakaroon ng Community Involvement Plan (CIP).

Nagpasalamat naman ang PDEA sa LGU dahil sa pakikipagtulungan na tuluyang mawala ang iligal na droga gayundin ang partisipasyon ng komunidad.

Facebook Comments