Bayan ng Sarangani, niyanig ng 3.3 magnitude na lindol

Niyanig ng 3.3 magnitude na lindol ang bayan ng Sarangani, lalawigan ng Davao Occidental pasado alas-5:30 kaninang umaga.

Ayon sa Philippine Institute of Volcanology and Seismology (PHIVOLCS), naitala ang episentro ng lindol sa layong 321 kilometers silangang bahagi ng Sarangani.

May lalim na 24 kilometro ang lindol at tectonic ang pinagmulan nito.


Batay sa ulat ng PHIVOLCS, walang naitalang mga intesity at mga aftershock na dulot ng pagyanig.

Wala ring nasugatan o nasaktan na pagyanig at hindi rin naglabas ng Stu Amo alert ang PHIVOLCS sa mga karagatan kung saan nangyari ang lindol.

Facebook Comments