Umapela ang lokal na pamahalaan ng Sto. Tomas City sa Batangas ng gamot sa supplies para sa kanilang mga residenteng lumikas dahil sa pag-aalburuto ng Bulkang Taal.
Maliban dito, nanawagan din ang local government ng karagdagang medical volunteers.
Ang mga interesado ay pwedeng magtungo sa city evacuation center sa Barangay Poblacion 3 ng bayan.
Nangangailangan din sila ng mga sumusunod na gamot:
- Antibiotic para sa mga matatanda at bata
- Paracetamol
- Losartan
- Amlodipine
- Metformin
- Cetirizine tablets at syrup
- Phenyl drops
- Salbutamol nebule solution
- Nebulizer compressor
- Salbutamol guaifenesin capsule
- Salbutamol syrup
- Multivitamins at ascorbic drops, syrup, at tablets
- Mefenamic acid capsule
- Oral rehydration solution
- N95 masks
Ang mga interesadong tumulong ay pwedeng makipag-ugnayan sa LGU.
Facebook Comments