Bayan ng Tinglayan, Naitala ang unang COVID-19 Death

Cauayan City, Isabela- Naitala ng lalawigan ng Kalinga ang ika-apat na kaso ng pagkamatay may kaugnayan sa COVID-19.

Ayon sa Provincial Epidemiological Surveillance Unit, isang 71-anyos na babae ang naitalang namatay na residente ng Poblacion, Tinglayan, Kalinga.

Sa panayam ng iFM Cauayan kay Provincial Information Officer Dionica Alyssa Mercado, sumailalim sa swab test ang pasyente nitong lunes, Enero 18 at nagpositibo sa Rapid Antigen Test na isinagawa sa St. Peter Claver sa Tabuk City noong linggo, Enero 17,2021.


Una nang na-admit sa Kalinga District Hospital ang pasyente dahil sa iniinda nitong pag-uubo, sipon, panghihina ng katawan at mayroon din itong hypertension.

Kahapon, lumabas ang resulta na positibo sa COVID-19 ang pasyente at ngayong araw ng bawian ito ng buhay pasado alas-9:30 ng umaga.

Ilalabas naman ng PESU ang iba pang detalye kaugnay sa totoong dahilan ng pagkamatay ng pasyente.

Facebook Comments