Bayan, umapela kay PRRD na makialam na sa sobrang singilin sa konsumo ng kuryente

Manila, Philippines – Kasunod ng panibagong kahilingan ng Meralco na dagdag singil sa kuryente para sa taong 2019 at 2020, umapela na sa Duterte Administration ang Bagong Alyansang Makabayan na panghimasukan na ang patuloy na tumataas na singil sa kuryente sa bansa.

Sinabi ni dating Bayan Muna Representative Neri Colmenares na malaking ginhawa kung magkaroon na ng abot kaya at ligtas sa kalusugan na suplay na kuryente ang mga power consumers.

Sinabi pa ni Colmenares na dapat ding tutulan ang nilulutong kasunduan ng Meralco at ng pag-aari din umano nitong kompanya na Atimonan One na tiyak na magpapataas muli sa presyo ng kuryente.


Ayon naman kay Power 4 People Coalition Gerry Arances, kung pagbabasehan ang survey ng Pulse Asia, majority ng Meralco customers ay nabuburyong na sa mataas na singil sa kuryente.

Base sa statistics, 60% ang naghayag na dapat palitan na ng renewable energy ang source ng enerhiya sa bansa.

Facebook Comments