BAYANI | Lalaking nag-ala spiderman sa pagsagip ng bata, binigyan ng trabaho

Paris – Isang migrante na tinaguriang “spiderman” ng Paris ang binigyan ng trabaho bilang bumbero.

Ito ay matapos niyang sagipin mula sa nasusunog na gusali ang isang bata.

Sa nag-viral na video, nag-ala spider man si Mamoudo Gassama nang akyatin niya ang gusali sa pamamagitan lang ng pagkapit sa pader nito para sagipin ang apat na taong na bata na nakalambitin noon sa balkonahe.


Bukod sa trabaho, pinarangalan pa si Gassama ng French citizenship, gold medal at certificate ni French President Emmanue Macron dahil sa kanyang kabayanihan.

Facebook Comments