Ginawaran ng order of Lapu-Lapu medal ni Pangulong Rodrigo Duterte ang dalawampu’t tatlong sundalong nasugatan sa engkwentro sa Abu Sayyaf Group sa Patikul, Sulu.
Kasama ng Pangulo si dating Special Assistant to the President (SAP) Bong Go na bumisita sa Camp Navarro General Hospital ng Western Mindanao Command, Zamboanga City.
Maliban sa award, binigyan din ang mga ito ng gun certificate, cellphone, cash, relo at special financial assistance.
Una rito, nagkaroon ng ceremonial turnover of glock pistols sa Western Mindanao Command na pinangunahan ni Duterte.
Kasabay nito, inanyayahan naman ng Pangulo sa isang tour sa Malacañang ang dalawa sa mga anak ng mga sundalo sa WestMinCom at nangakong bibigyan niya ang mga ito ng mga regalo at laruan.
Facebook Comments