BAYANI | Nag-viral na Grab driver, pinuri ni Pangulong Duterte

33

Manila, Philippines – Pinuri ni Pangulong Rodrigo Duterte ang nag-viral na Grab driver dahil sa pagpapasakay ng libre sa mga pasaherong na-istranded dahil sa pag-ulan.

Ipinatawag ng Pangulo si Romualdo Albarca at ang kaniyang pamilya para personal na batiin dahil sa harangin nitong makatulong sa kapwa ng hindi inuuna ang sarili.

Ayon sa Pangulo, isang huwaran si Albarca na dapat tularan ng mga kapwa niya driver.

Bukod sa papuri ay pinagkalooban rin ng Pangulo ng cellular phone si Albarca at kanyang anak.

Facebook Comments