Bayanihan 2, agad na inaprubahan sa final reading matapos sertipikahang urgent kahapon

Matapos masertipikahan bilang urgent kahapon ay agad ding inaprubahan ng Kamara sa ikatlo at huling pagbasa ang pagpapalawig ng effectivity ng Bayanihan 2.

Sa botong 179 na pabor at anim na pagtutol, palalawigin na hanggang June 30, 2021 ang appropriations provision ng Republic Act 11494 o Bayanihan to Recover as One Act mula sa orihinal nitong effectivity na hanggang December 19, 2020 lamang.

Partikular na ine-extend lamang dito ang paggamit sa natitira o available pang pondo ng Bayanihan 2.


Naglaan ang gobyerno ng P140 billion na regular appropriation sa ilalim ng Bayanihan 2 at dagdag na P25 billion standby fund.

Sa statement ni House Speaker Lord Allan Velasco, tiniyak na suportado nila ang hangarin ng Pangulong Duterte na palawigin ang Bayanihan 2 upang matiyak na tuloy-tuloy ang pagpapaabot ng tulong sa mga naapektuhan ng pandemiya lalo na sa socio-economic na aspeto.

Facebook Comments