Bayanihan 2, hiniling na palawigin para maipang-ayuda sa PUV drivers at MSMEs

Hiniling ni Senator Francis “Kiko” Pangilinan sa mga kasamahang mambabatas na palawigin pa ang Bayanihan to Recover as One Act o Bayanihan 2 bago magsara ang kanilang session bukas.

Una ring inihain ni Pangilinan ang Senate Bill No. 2218 na naglalayong palawigan ang Bayanihan 2.

Layunin ng mungkahi ni Pangilinan na magamit pa na pang-ayuda ang bilyon-bilyong pisong pondo sa ilalim ng Bayanihan 2.


Kinabibilangan ito ng 10-bilyong pisong pang-ayuda sa mga tsuper ng pampasaherong bus at jeep kung saan nasa P400 million pa lang ang nagamit at naibigay na tulong sa 9,000 na drivers ng public utility vehicles kaya may natitira pang P5 billion.

Binanggit din ni Pangilinan ang P10 billion na inilaan pautang sa mga maliliit na negosyo na ayon sa Department of Trade and Industry ay may P3.38 billion pa lang ang nagagamit kaya may natitira pang mahigit P6 billion.

Facebook Comments