Bayanihan 2, isinusulong sa Senado

Pinag-aaralan ng Senado ang pagpasa sa isang panuntunan na layong palawigin ang pa sakop ng Government Assistance Program ngayong nahaharap sa krisis ang bansa dahil sa Coronavirus Disease 2019 (COVID-19).

Ayon kay Senator Miguel Zubiri, ikinukunsidera na rin nila ang pagpasa ng Bayanihan 2, kung saan sakop na rin nito ang Micro, Small at Medium Enterprise (MSMEs), maging ang mga stakeholders sa industriya ng turismo at transportasyon.

Giit ng Senador, dapat din sila na mapasama bilang benepisyaryo ng ayuda ng gobyerno dahil apektado rin sila ng ipinapatupad na lockdown.


Pero, sinabi ng senador na pag-uusapan pa ang iba pang inisyatibo na maaaring isama sa ilalim ng Bayanihan 2.

Kasama rin umano sa tatalakayin ay kung papaano muling makakabangon ang ekonomiya ng bansa at maiibsan ang epekto ng krisis bunsod ng COVID-19.

Facebook Comments