Bayanihan 3 at Department of Disaster Resilience (DDR), hiniling na maaprubahan bago ang session break sa Pebrero 4

Hiniling ni dating Speaker at Taguig-Pateros Rep. Alan Peter Cayetano na mapagtibay ng Kongreso ang Bayanihan 3 at Department of Disaster Resilience (DDR) bago mag-adjourn ang sesyon sa Pebrero 4.

Naniniwala ang kongresista na kung may political will ang Senado, Kamara at Ehekutibo, ay agad na maipapasa ang priority measures.

Kakayanin aniyang maaprubahan ang mga panukala sa loob ng nalalabing dalawang linggo ng sesyon.


Dapat din aniyang ituon ang atensyon sa mga mahahalagang lehislasyon at hindi sa mga panukala na magsusulong ng bisyo tulad ng paglilipat ng regulasyon ng e-cigarettes at vape mula Food and Drug Administration (FDA) sa Department of Trade and Industry (DTI) na nakalusot na sa bicam at ang E-Sabong.

Ang DDR bill ay naipasa ng Kamara noong September 2020 habang Hunyo ng 2021 naman nang pagtibayin ng mababang kapulungan ang Bayanihan 3.

Facebook Comments