Bayanihan 3, hindi na kailangang ipasa – Roque

Nanindigan ang Malacañang na hindi na kailangang ipasa ang ₱405 billion na Bayanihan 3 bilang batas sa harap ng COVID-19 pandemic.

Giit ni Presidential Spokesperson Harry Roque, pag-aaralan pa kung kakailangan ng supplemental budget lalo na at mayroon pang 2021National budget.

“Titingnan po natin kung kakailanganin pa natin ng supplemental budget kasi mayroon pa po tayong 2021 budget at buwan pa lang po ng Hulyo so mayroon pa pong natitira talaga sa budget na iyan. Now kung magkukulang, imbes na humingi po ng supplemental budget, pupuwedeng ipasok na po iyan sa 2022 budget na tatalakayin ng Kongreso,” sabi ni Roque.


Kung sakaling kakailanganin ng supplemental budget ay maaari itong isama sa 2022 budget o kaya naman ay magpatawag ng special session.

“Pero kung talagang kakailanganin eh madali naman pong humingi ng supplemental budget; kung kulang ang oras pupuwede ring humingi po ng special session. Pero sa ngayon po, tinitingnan natin kung mayroon talagang pangangailangan,” sabi ni Roque.

Layunin ng Bayanihan 3 na muling buhayi ang ekonomiya at tulungan ang low income families na matinding naapektuhan ng COVID-19 pandemic.

Facebook Comments