Bayanihan 3, hindi urgent ayon sa Malacañang

Hindi mamadaliin ng pamahalaan ang pagpasa ng ikatlong stimulus package para sa COVID-19 response at recovery efforts.

Katwiran ni Presidential Spokesperson Harry Roque, patuloy pa ring ginagamit ng pamahalaan ang existing budget.

Aniya, ang panukalang Bayanihan 3 ay maaaring magsilbing “fallback” sakaling mangailangan pa ng karagdagang pondo para tugunan ang pandemya.


“So we welcome Bayanihan 3 as a fallback pero mukhang hindi pa po urgent ang passage ng bayanihan 3 dahil ginagastos pa natin ang existing budget natin,” sabi ni Roque.

Matatandaang inaprubahan ng Kamara sa ikalawang pagbasa ang Bayanihan to Arise as One Act o Bayanihan 3 na magbibigay ng ₱401 billion relief package para tulungang makabangon ang bansa mula sa pandemya.

Facebook Comments