Tiniyak ni House Ways and Means Committee Chairman Joey Salceda na may paghuhugutan ng pondo sa isinusulong na P370 Billion na Bayanihan 3 Law.
Ayon kay Salceda, sa halip na stimulus ay magsisilbing lifeline ang Bayanihan 3 para agarang tugunan ang kahirapan at kagutuman ng mga Pilipino na apektado ng COVID-19 pandemic gayundin ng mga industriyang naghihingalo dahil sa krisis.
“The question of funding was very tangled, but what cut the Gordian knot is the proposal to increase mandatory dividend remittance of GOCCs from 50% to 75%, temporarily. This will require an amendment of Republic Act 7656 or The Dividends Law. This is probably worth P70 billion,” sabi ni Salceda.
Mayorya aniya sa pagkukunan ng pondo ang “obese” na government-owned and -controlled corporations (GOCCs) at tax measures.
Dito ay itataas ang dividend remittance ng mga GOCCs mula 50% patungong 75% na inaasahanag makakalikom ng P70 Billion pero ito ay mangangailangan muna ng amyenda sa Republic Act 7656 o ang Dividends Law.
“Secretary Dominguez supports the POGO taxes. He is also inclined to endorsing the e-sabong tax, but wants a study on the matter. I have already asked the Committee secretariat to supply the necessary materials so his staff can run the numbers,” dagdag pa ng mambabatas.
Nangako rin aniya si Finance Secretary Carlos Dominguez na susulat sa Senado para sa agarang pagapruba sa panukalang POGO Tax at E-Sabong na kapwa magbibigay ng P15 billion at P5 billion na funding resource.
“The Bayanihan 3 now stands at P370 Billion. All in all, I think we can raise about P140 billion which is deficit neutral. We’re on putting on standby P166 billion for phase 2 and another phase 3 for P63 billion depending on revenue performance,” ani Salceda.
Kabuoang P140 billion ang paunang pondo na target malikom para sa pagpapatupad ng Bayanihan 3, habang P166 Billion para sa phase 2 at P63 Billion naman sa phase 3 depende sa revenue performance ng bansa.
Tiniyak pa ni Salceda na ngayon o sa susunod na linggo inaasahang pagtitibayin ng joint committee sa Kamara ang Bayanihan 3 at sa pagbabalik sesyon o sa May 17 ay maisasalang na ito sa plenaryo.