‘Bayanihan, Bakunahan’ Part 3, matumal – NVOC

Hindi naging maganda ang turn out ng ikatlong round ng National Vaccination Days Part 3.

Sa Laging Handa public press briefing, sinabi ni National Vaccination Operation Center (NVOC) Chairperson Myrna Cabotaje na matumal ang nagpapatuloy na Bayanihan, Bakunahan.

Ayon kay Cabotaje, kahapon, February 16, nasa 2.6 milyon pa lamang ang nairehistro nilang nabakunahan.


Dahil dito, hindi aniya kayang maabot ang target na 5-M mababakunahan kahit pa pinalawig na ang pambansang bakunahan hanggang bukas Feb. 18, 2022.

Isa sa nakikita ng NVOC na dahilan kung bakit matumal ang bakunahan ay dahil maraming mga Pilipino ang batid naman ang kahalagahan ng bakuna pero kulang sa urgency o hindi na nila nakikitang kailangang magpa-booster shot kaagad.

Kasunod nito, umaasa si Cabotaje na madadagdagan pa ang mga mababakunahan hanggang bukas, ang huling araw ng ‘Bayanihan, Bakunahan’ part 3.

Facebook Comments