Bayanihan, Bakunahan sa Cagayan Valley, Matagumpay na Nakapagturok ng 100k Doses

32

Cauayan City, Isabela- Matagumpay na naiturok ang nasa kabuuang 100,113 doses ng bakuna kontra COVID-19 sa unang araw ng pag-arangkada ng Bayanihan, Bakunahan o National Vaccination Day sa Cagayan Valley.

Ito ang inilabas na datos ng Department of Health (DOH) Region 2.

Mula sa 54.89% ng National Vaccination Operations Center Target marami ang nabakunahan sa Santiago City na umabot sa 105.76% habang ang 107.65% naman na Regional Committed Daily Target, pinakamarami ang nabakunahan sa lalawigan ng Isabela na umabot sa 132.58%.


Samantala, umaasa naman ang DOH na mababakunahan ang target na bilang na mahigit sa 500,000 indibidwal sa 3-day vaccination day.

Facebook Comments