Inilunsad ni Mayor Francisco “Isko” Moreno ang Bayanihan Drive para sa ating mga kababayan na nasalanta ng Bagyong Odette sa Visayas at Mindanao.
Hangad ng alkalde na nasa maliit na paraan ay mabigyan agad ng tulong ang mga residente na lubos na naapektuhan ng nagdaang bagyo.
Aniya, sa mga nais tumulong ay maaari silang maghatid ng donasyon sa 813-A P. Noval St. Kanto SH Loyola St., Sampaloc, Manila.
Sa mga nais naman magbigay ng cash donation, maaari ninyo po itong ipadala sa Kaagapay ng Manileño Foundation Inc. sa pamamagitan ng Philippine National Bank (PNB) Account Number: 167-770-003-504.
Bukod dito, nananawagan si Mayor Isko sa Insurance Commission na pabilisin ang pagproseso ng claim ng insurance para makatulong sa ating mga kababayan na nabiktima ng Bagyong Odette sa Visayas.
Aniya, ito ay makakapagbigay ng tulong sa mga pamilyang nasira ang tahanan at negosyo sa kanilang mga lugar.
Nagpapasalamat naman ang alkalde sa mga tumugon sa kaniyang panawagan at umasa raw sila na agad itong maipaparating sa mga pamilya na nasalanta ng Bagyong Odette.