Bayanihan E-Konsulta, libre – ayon kay VP Robredo

Nilinaw ni Vice President Leni Robredo na ang Bayanihan E-Konsulta initiative ay libre at maaaring ma-access sa pamamagitan ng free-data.

Ito ang tugon ng Bise Presidente kasunod ng mga paninira ng kanyang mga kritiko laban sa teleconsultation service.

Sa statement ng Office of the Vice President (OVP), mariin nilang pinabubulaanan ang mga ulat na hinihingan ng bayad ang mga nagpapakonsulta sa Bayanihan E-Konsulta page.


Ang lahat ng konsultasyon na nagaganap sa naturang page ay mahigpit na binabantayan ng OVP.

Wala ring intensyon ang OVP na idamay ang anumang teleconsultation service na legal na nag-o-operate sa isyung ito.

Fake News anila ang ipinakalat ng isang social media user na ang teleconsult service ay may bayad: ₱350 para sa general practitioner, ₱450 para sa senior general practitioner, at ₱850 para sa specialist, kasama sa fee ang consult service at prescription.

Paalala ng OVP sa publiko na huwag magpaniwala sa mga nababasa sa social media.

Facebook Comments