Balik-operasyon na ang libreng teleconsultation service para sa outpatient ng Office of the Vice President’s (OVP) sa National Capital Region (NCR).
Ayon kay Vice President Leni Robredo, tatanggap na muli ang “Bayanihan E-Konsulta” Facebook page ng mga consultation requests mula Lunes hanggang Sabado ganap na alas-8:00 ng umaga hanggang alas-5:00 ng hapon.
Matatandaang Abril 7 ng ihinto ang operasyon ng libreng teleconsultation service ng OVP dahil sa ilang technical issues at backlogs.
Maliban dito, nakapaghatid na rin ang OVP ng care packages para sa 24 COVID-19 patients na nagpakonsulta sa “Bayanihan E-Konsulta.”
Laman ng package ang isang thermometer, pulse oximeter, medical supplies, medicine at vitamins, face masks, disinfectants, isang monitoring sheet, at isang guide na gagamitin kada oras.