Bayanihan E-Konsulta ng OVP, hindi muna tatanggap ng request ngayong araw

Pansamantalang ihihinto ng Office of the Vice President ang pagtanggap ng bagong request para sa “Bayanihan E-Konsulta” ngayong araw, April 12.

Ito ay para sa integration ng external volunteers at ayusin ang ilang technical issues at backlogs.

Ayon kay Vice President Leni Robredo, hindi nila inasahan ang pagdagsa ng consultation request.


Patunay aniya na kailangan ng publiko ang ganitong uri ng serbisyo.

Humingi si Robredo ng pang-unawa at kailangan lamang ayusin ang plataporma at ang proseso.

Muling tatanggap ang OVP ng request, bukas, April 13 – alas-7:00 ng umaga.

Facebook Comments