Pormal na inilunsad ni Vice President Leni Robredo ang “Bayanihan E-skwela.”
Sa programang Biserbisyong Leni sa RMN Manila, sinabi ni Robredo na tampok dito ang video series sa YouTube at Facebook.
Nakapaloob sa programa ang instructional videos para sa mga guro, magulang at estudyante na makatutulong sa transition patungong distance learning.
Katuwang ng Office of the Vice President (OVP) ang ilang academic experts, film directors, artists, at advertising agencies sa production ng mga video.
Kabilang sa mga ito ay si Dr. Jerome T. Buenviaje, Dean ng UP College of Education, Sol Galang ng Independent Minds Productions at Jolina Magdangal-Escueta.
Facebook Comments