BAYANIHAN EDITION SA PANAHON NG BAHA SA DAGUPAN CITY, MULING NASILAYAN

Bahagyang maganda ang panahon pero panaka naka pa rin ang buhos ng ulan na sinasabayan ng high tide dito sa lungsod ng Dagupan City, kung tutuusin naging mahirap ito para sa ating mga idol dahil halos isang linggo nang kinakailangan lumusong ang mga ito sa baha makarating lang sa paroroonan.
Tila matinding sakripisyo rin ito sa mga drivers on the road na nilusob ang baha maitawid lang din ang kanilang pasahero. Bagamat marami tayong mga idol ang tumitirik ang sasakyan sa gitna ng baha, marami rin tayong mga idol ang nagpapakita ng malasakit sa kapwa.
Mula sa facebook post ni idol Jiesmark, mapapanood na hindi nila alintana ang baha dahil ipinakita nila ang pagbabayanin ng mga kasama nito habang tulong tulong nilang itinutulak ang mga sasakyang gaya ng bus, kotse, motor na tumitirik sa kahabaan ng M.H del Pilar street dahil parin sa mataas na lebel ng tubig.

Mula sa IFM proud kami sa inyong ipinakita malasakit mga idol. |ifmnews
Facebook Comments