
Pinangunahan ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr., ang paglulunsad ng Bayanihan Estero Program na isang inisyatiba para linisin ang mga estero at palakasin ang flood control efforts sa Metro Manila.
Personal na ininspeksyon ng pangulo ang paglilinis ng Buli Creek sa Barangay Pinagbuhatan, Pasig City ngayong umaga.
Ayon sa pangulo, mahalagang magkaisa ang lahat dahil kahit gaano kaganda ang mga flood control project, mananatiling walang saysay ang mga ito kung barado ang mga estero.
Pero bago pa man aniya dumating ang Bagyong Crising, nakapaglunsad na ang pamahalaan ng paglilinis sa 23 estero, at 12 na ang ganap na nalinis.
Bukod sa paglilinis, kasama rin sa inisyatiba ang desiltation at watershed development para hindi na madala ang lupa na bumabara sa mga creek at nagpapababaw sa tubig.
Umaasa ang pangulo na tutularan ito ng iba pang civil society groups para maging bahagi ng pangmatagalang solusyon sa pagbaha.









