Naglunsad ang Philippine National Police (PNP) ng bayanihan fund challenge para sa lahat ng kanilang kawani at opisyal upang pandagdag tulong sa mga mahihirap na pilipino na apektado ng Enhanced Community Quarantine (ECQ).
Ayon kay PNP Chief General Archie Francicso Gamboa target ng kanilang bayanihan fun challenge na makalikom ng 200 milyong piso bilang pagtupad sa panawagan ni pangulong rodrigo duterte na tulungan ang mga maralitang kababayan
Binigyang diin ni Gamboa na boluntaryo ang bayanihan fund challenge para sa lahat ng kawani ng pnp pero obligado naman ang mga opisyal simula sa mga heneral na mag ambag ng 50% ng kanilang basic pay para sa kanilang sweldo sa buwan ng Mayo.
Partikular na magbibigay ng 50% ng kanilang basic salary para sa buwan ng Mayo ay ang miyembro ng Command Group, Directorial Staff, Regional Police Office at National Support Unit.
Matatandaang una nang nagbigay ng bahagi ng kanilang basic salary ang mga kawani at opisyal ng Armed Forces of the Philippines (AFP) para ipandadag sa pagbili ng mga medical supplies.