Bayanihan fund challenge ng PNP, nakalikom ng P208.1M pondo para sa mahihirap na pamilyang apektado ng COVID-19 crisis

Aabot sa P208.1 million ang nalikom na pondo ng Philippine National Police (PNP) sa pamamagitan ng “bayanihan fund challenge” nito.

Ang pondo ay mula sa boluntaryong kontribusyon ng mga tauhan ng pnp mula sa sarili nilang mga sweldo na gagamiting pang-ayuda sa mga pamilyang lubos na apektado ng COVID-19 crisis.

Ayon kay PNP Spokesperson Police Brigadier General Bernard Banac, ang fundraiser na tinatawag ding bersyon ng PNP ng “SAP” o “sariling alay ng pulis para sa mahirap” ay proyekto ni Chief Police General Archie Gamboa.


Bukod dito, nasa 205,000 na tauhan din ng PNP ang hinikayat na pumili ng isang pamilyang pagkakalooban ng food packs o grocery items at financial assistance na sasapat sa isang linggo na tinawag namang “kapwa ko, sagot ko!”

Sa ngayon, nasa 141,000 na mahihirap na pamilyang apektado ng krisis sa COVID-19 sa buong bansa ang natulungan ng PNP.

Facebook Comments