BAYANIHAN NG MGA RESIDENTE SA BASISTA, PANGASINAN PARA ILIPAT ANG ISANG BAHAY KUBO, VIRAL

Viral ngayon sa social media ang bayanihan ng mga residente sa bayan ng Basista matapos magsama-sama upang ilipat ang Isang bahay kubo.

Ayon kay Xander Faustino, ang uploader ng video, ibinigay Umano sa kaniya ang naturang kubo at gustong nang ilipat ang sa kanyang sariling lupa.

Sa tulong ng dalawampung kalalakihan sabay-sabay nilang binuhat ang malaking kubo patungo sa bago nitong lokasyon.

Tunay nga namang hindi lamang sa telebisyon o nababasa sa mga aklat ang ganitong eksena na bahagi ng ating kultura.

Isa itong paalala na hanggang ngayon ay buhay pa rin at nanaig pa rin ang bayanihan sa mga Pilipino. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣

Facebook Comments