Bayanihan sa estero, papalawigin pa ng MMDA

Papalawigin pa ng Metro Manila Development Authority (MMDA) ang Bayanihan sa estero nang kanilang matagumpay na malinis ang 23 prayoridad na estero sa NCR.

Kinumpirma ito ni MMDA Chairman Romando Artes matapos na bumisita sa Ilugin Creek sa Barangay Pinagbuhatan, Pasig City.

Kasama rin sa naturang pag-iikot si Pasig City Mayor Vico Sotto at Pasig Lone District Congressman Roman Romulo.

Ayon kay Artes, bukod sa 23 mga estero, may pito pang estero ang kanilang nalinis.

Dagdag pa niya na bukod sa paglilinis at pagtatanggal ng mga water hyacinth sa Ilugin Creek ay magsasagawa rin sila ng defogging at misting dahil sa dami umano ng lamok sa estero.

Target ng MMDA na malinis ang nasa 50 estero sa buong Metro Manila bilang pagtugon na rin sa flood control.

Facebook Comments