BAYANIHAN SA PAGLILINIS SA LINGAYEN BEACH, ISINAGAWA BILANG PAKIKIISA SA ZERO WASTE MONTH

Pinatunayan ng komunidad ng Lingayen ang diwa ng bayanihan sa sanib-pwersang coastal clean-up sa Lingayen Beach bilang bahagi ng pagdiriwang ng Zero Waste Month ngayong Enero.

Nilahukan ng iba’t-ibang sangay ng gobyerno, barangay councils, miyembro ng KALIPI, sumisigay, cottage operators, at TODA,ang aktibidad na nagresulta sa malinis na baybayin.

Ang gawain ay hindi lamang umano paglilinis ng kapaligiran kundi pagpapalalim din ng kamalayan at malasakit sa kalikasan.

Binigyang-diin naman ang pagkakaisa ng pamahalaan at mamamayan bilang susi sa pangmatagalang pangangalaga ng dalampasigan, at ang bawat hakbang at basurang napulot ay hakbang tungo sa mas malinis at ligtas na Lingayen Beach. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣

Facebook Comments